Wednesday, October 26, 2011 | By: Klent

Bakit ganyan ka?

Bakit ganyan ka? Madalas nakasimangot, hindi maintindihan ang uglai, kung anong gusto, kung anong hinaing?
Bakit ganyan ka? Ibinibigay naman sa iyo ang lahat ng gusto mo sa abot ng makakaya nina mama at papa pero bakit ganyan ka pa rin?
HIndi mo ba naisip na sa bawat pagsimangot mo, nalulungkot at nababahala si mama sa iyo? Hindi mo ba naisip na sa bawat pagsimangot mo, hindi lubos maisip ni mama kung anong iniisip mo, idinaramdam mo o ikinamumukmok mo?
Hindi mo ba naisip na kahit pagod sila mama at papa sa opisina pinipilit pa rin nilang magkaroon ng oras para sa atin dahil anak nila tayo..
Sa bawat pagsimangot at pagmukmok mo, sinasaktan mo ang damdamin ni mama.. Lahat binibigay nila para mabigay lang ang gusto mo at huwag kang sisimangot o ayaw niyang makita kang malungkot tapos ganyan ang ginagawa mo?

Alam kong hindi mo maiisip at maiintindihan kasi ayaw mong isipin at intindihin, higit pa doon, sarili mo lang kasi ang iniisip mo.. Hindi mo kasi lubos maisip na mahirap ding maging magulang lalo na kung ginagawa naman nila ang lahat at iyan pa ang ibabawi mo sa kanila.. Hindi mo man lang naisip na nahihirapan din sila para lang maibigay ang lahat ng pangangailangan natin tapos puro pagsusungit at paghihimutok pa ang igaganti mo.. Hindi mo lubos maisip na maswerte tayo at sila ang naging mga magulang natin, dahil kung hindi naging sila iyon, sino kaya tayo ngayon? saan tayo pupuluttin? saan kaya tayo nakatira? matatamasa mo ba lahat ng tinatamasa mo ngayon?
Kapag ikaw ang naging magulang, huwag mo sanang sapitin ang ginagawa mo kina mama at papa dahil alam kong mahirap, ramdam ko sa bawat ginagawa nila sa atin.. Higit pa sa lahat, hindi mo maramdaman ang pagmamahal nina mama at papa sa atin dahil sarado ka. Sarado ang puso at isip mo sa mga ganyang bagay, natabunan na ang pang-unawa mo nang luho na siyang tinuring mong magulang...
Sana dumating ang araw na lubos mong maunawaan na mahal na mahal tayo nina mama at papa higit pa sa alam mo at higit pa sa luho na kaya nilang ibigay.. Huwag mo sanang paabutin sa pagkakataong pagsisisihan mo pa sa huli ang mga bagay-bagay.. Lubos kong ikagagalak kung dumating ang araw na maging mature ka na..

0 comments:

Post a Comment