Wednesday, November 10, 2010 | By: Klent

4 bagay na natutunan ko ngayon (na sana ay maisabuhay ko, haha!).

Nagsimula na ang second semester namin, nakakapanibago. Ou, as in nakakapanibago ang lahat, bagong mga kaklase, bagong mga guro, bagong mga asignatura, bagong karanasan, bagong mga dapat matutunan.. basta overall maraming bago.

Nagsimula ang second semester namin kahapon at marami na agad akong natutunan ngayon. Natuto na agad ako hindi lang sa libro kundi sa mga karanasan din kasama na dito ang mga nasasaksihan at naisasabuhay ko. Heto ang mga natutunan ko sa nagdaang dalawang araw:

1. Kapag inisip mong babagsak ka, babagsak ka talaga. Kapag inisip mong makakapasa ka at makakaya mo iyan, go!
2. Lahat ng nakikilala natin ay nakilala natin dahil mayroong dahilan.
3. Marami pa akong dapat matutunan (maturity) at dapat ituwid sa buhay ko kaysa sa mga "worldly" ideas dito sa lupa.
4. Lahat naman ng bagay na nangyayari o nangyari sa atin ay mayroong dahilan, maging ang paghihiwa-hiwalay.

Ibabahagi ko na lang ng detalyado ang bawat isa per post para mas maibahagi ko ito nang maayos. Hindi ko intensyong magpapansin gusto ko lang ng kausap, magkwento at magbahagi. :)

0 comments:

Post a Comment