Friday, November 5, 2010 | By: Klent

Hindi rin. :)

Sabi ng ibang tao sa isang social networking site, plastik daw ang mga tao sa Facebook. Anyway opinyon nila iyon, wala tayong magagawa.
Pero para sa akin, hindi iyon totoo. Halos lahat ng mga malalapit sa akin na mga kaibigan ay may facebook at hindi lang sa social networking site nasusukat ang pagpapakatotoo at pagkatao nila, sa personal din. Although iyong mga hindi ko talaga lubusang kilala, hindi ako umaasang magiging totoo sila pero iyon mga taong malapit sa akin at totoong tao at may facebook, masasabi kong hindi sila plastik.
Maaaring sa ibang kaibigan ko ganoon ang pag-uugali nila pero hindi naman lahat. :)
May mga kaibigan pa rin akong totoo sa akin sa personal at ganoon pa rin naman sila sa ibang paraan gaya ng social networking site, e.g. Facebook.

Kung susumahin, kanya-kanya naman tayo ng opinyon sa mga bagay-bagay. Pero kung tao ang huhusgahan ng kanyang pagkatao, mas mabuti sigurong kilatisin natin sila ng personal hindi lamang sa internet o kahit anong hindi personal na pamamaraan. Mas makikilala natin sila ng lubusan kung makakasalamuha natin sila ng tuluyan. :)

0 comments:

Post a Comment