Simula noong pasukan (Nov. 8) hanggang ngayon (November 10), tatlong araw na akong nag-aasikaso ng mga subjects na maaari ko pang idagdag sa list of enrolled subjects ko. Maximum na number of nits na maaari kong i-take is 30 units subalit sa kasamaang palad, 22 lang ang nakuha ko at swertehan lang iyan dahil talagang agawan ng mga subjects sa school namin. Ngayon, binalak kong mag-add pa ng kung ilan mang kakayaning units para naman sulit ang pag-eenroll ko. Mahalagang madagdagan ako ng isa pang subject na 5 units dahil kailangan ito sa higher levels kaya nagsumikap akong makahanap ng schedule na available pa at susukat sa libreng oras o sobrang oras sa schedule ko. Sa loob ng tatlong araw kong pakikipagbunuan sa lahat ng hirap sa pag-eenroll at/or pag-add, wala akong nakuha or nadagdag sa mga subjects ko. Madalas sarado na or full na. Hindi madaling magpadagdag ng subject dahil maraming oras ang nasasayang at dapat isakripisyo, at nakakapagod din iyon dahil masyadong maraming proeseso at literal na paglalakad ang ginagawa, paikot-ikot, papapasa-pasa, pabalik-balik, tatayo ng matagal, mag-aantay, hanggang sa huli paaasahin ka lang dahil wala na or closed na. Ganyan ang naging serye ko sa loob ng 3 araw.
Sa tuwing uuwi ako sa amin, dala ko ang bigat sa pakiramdam nang mga sinakripisyo kong oras sa iba kong subjects para lang maasikaso ang pagdadagdag ng subject. Tatlong araw na rin akong balisa sa kakaisip sa schedule ko. Nakakapagod dahil uuwi kang maraming sinayang, sinakripisyo at nag-ubos nang lakas, tapos hahantong ka lang rin pala sa walang napala. Hindi ito gaya noong nakaraang semestre na sa pagtitig mo sa schedule mo, iyon na iyon, walang labis, walang kulang, panatag ka na. Sa lagay ko ngayon, kahit sa mga rehistradong iyo, at enrolled ka na talaga doon, pakiramdam mo, maagaw pa sa iyo at hindi ka pa mapapanatag. Mahirap, as in mahirap, dagdag pa ang panghihinayang.
Pero gayon pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon, dahil sa mga simpleng biyaya na pinagkakaloob niya sa akin. Una sa lahat, mapalad pa ako dahil nakatungtong ako nang kolehiyo at nakakapag-aral pa ako. Hindi lahat ng nakakatapos ng high school ay nakakaabot ng college kaya ipagpasalamat ko nang umabot ako sa ganitong punto. Hindi ko na dapat inirereklamo ang dami o number ng units na tinatake ko dahil ang ibang estudyante, masaya na silang nakakakuha ng 15 pataas na number ng units. Dahil 22 units lang ako, marami akong oras na ,maaaring gamitin nang naaayon sa gusto ko o di kaya'y gamitin ito sa paggawa ng mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral ko. Bukod pa doon, dapat na makapag-focus ako sa mga subejcts kong iyan at piliting makakuha ng mataas na marka dahil 22 units lang naman iyan, hindi naman ako umabot ng 30 na kung saan tambak ka na nang aaralin, wala ka naman nang time para mag-aral. Marami pa ring iba pang bagay na dapat ipagpasalamat o pag-isipang maigi. Hindi iyan puro self-uplifiting, hindi rin iyan puro "on the positive side" kundi pagtitiwala sa Panginoon na siyang may hawak ng bukas natin.
Alam kong mahina ako, napapagod, nahihirapan, at nagsasawa. Pero ang Diyos ay puno ng lakas, Siya rin ang tanggulan ng mga taong nakakaramdam ng mga bagay na nararamdaman ko. Hindi lang ako basta nanniniwala na nandiyan siya, bagkus nagtitiwala din ako sa Kanya na hawak Niya ang buhay at kinabukasan ko. Wala namang hinangad ang Diyos na mga masasamang bagay o panyayari para sa atin. Minsan hindi natin naiisip nang maigi na ikinagagalit natin o ikinalulungkot ang mga bagay na gusto nating mangyari nang ayon sa ating nais subalit hindi naisasakatuparan. Lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin na, hindi man pagbigyan ng Diyos ang gusto nang bawat isa sa kanya-kanyang layon, mas mabuti at mas maigi naman ang plano ng Diyos para sa atin. Minsan, kung anong binabalak natin para sa sarili natin na nakabubuti ay mayroon palang masamang epekto sa atin, hindi man sa gitna, maaaring sa dulo. Kaya minsan, hindi pinahihintulutan nang Diyos ang mga bagay na alam Niyang makasasama sa atin na umaabot sa puntong kailangan pa Niyang durugin ang damdamin natin para sa huli, hindi tayo mapahamak dahil MAHAL NIYA TAYO.
2 comments:
ok lang yan badzy di nasayang kasi atleast nag try ka diba? kesa naman di mo pinilit subukan diba? effort :)
sabagay may tama ka dian badz.. mas malaking regret siguro aabutin ko kung hindi ko sinubukan..
Post a Comment